Wednesday, March 05, 2008

tamadation

yun na.

Thursday, February 28, 2008

gamit ang pensonic mp4 dvd player

US urged to retain RP on piracy watchlist

MANILA, Philippines -- A trade group in the Philippines said Thursday it has asked the US Trade Representative to retain the country on its piracy watchlist amid rampant violations concerning intellectual property.

The Intellectual Property Coalition, the federation of Philippine trade associations that oversees piracy issues, said violations of intellectual property rights have continued despite government efforts to curb them.

Inquirer link


Huh? Piracy sa Pinas? Saan? Kailan? Ito ngang Windows XP SP2 ko binili ko ito mismo kay Bill Gates. Binebentahan pa nga niya ako ng Zune kaso ang mahal, samantalang meron namang orig na Ipod Nanu sa halagang P2,250.00 sa Cubao Farmers Plaza. May libre pang mga orig na mga mp3 songs na hindi nila kinuha sa Limewire. Pati itong mga 21-in-1 ko na mga DVD, orig lahat. Tanong niyo pa kay Edu Manzano. Piracy sa Pilipinas... kalokohan yan.

Wednesday, February 27, 2008

spirit fingers

Mahirap din palang kalaban ang mga pipi sa basketball. Pagtitira kasi sila hindi mo magulat eh. Whoo! Wala, walang epekto. Paano nga rin pala i-sign language ang foul? Kala ko foul ang ginawa kong sign language, substitution pala.

Monday, February 18, 2008

befuddled much?

Apat kaming lalaki na namimili sa estante ng mga sanitary napkin sa SM supermarket. Sabay lingon sa akin ang lalaking nasa kanan ko.

"Excuse me. Alam mo ba ang pinagkaiba nitong maxi sa regular with wings?"

Friday, February 15, 2008

oddballs


Kumain kami sa TokyoTokyo. Ang daming nagdedeyt na mga magnobyo dahil araw ng mga puso. Ang kagandahan kasi sa TokyoTokyo ay hindi naman ganon kamahal ang pagkain pero hindi ka naman magmumukhang cheap sa syota mo. At para sa araw ng mga puso candlelight dinner pa ang epek nila. Nakatipid na sila sa kuryente, mukhang romantic pa. Pero ang pinakamaganda sa lahat ng kanilang serbisyo ay ang all-you-can-eat rice. Dahil dito pwede kang bumili ng isaw sa kanto ng Maligaya subdivision at makakalamon ka na hanggat gusto mo.

Tuesday, February 12, 2008

advantage

Ang kagandahan lang po nito ma'am, sir ay hindi na po kayo masisingitan ng tinga sa pagitan ng mga ngipin niyo. Ang disadvantage lang po ay kung minsan tumutulo na pala ang laway niyo nang hindi niyo namamalayan.

Thursday, February 07, 2008

jollibee spicy hot

Alam niyo ba kung bakit ganyan ang logo ng Max's Restaurant? Yang logo na yan nagsisimbulo ng dalawang manok na nagsasabong. Dati kasi yung nag-uumpisa pa lang kasi ang restaurant na ito, ang niluluto nilang manok ay yung manok na natalo sa sabungan. Nag-iikot sila sa mga sabungan dyan sa San Juan, Sta. Cruz at kung saan-saan pa para bumili ng mga talunang manok. Ang galing di ba? Totoo ba ito o imbento ko lang? Malalaman niyo na lang pag may nakagat kayong tari.

Nakipagsabong sa ngipin ko.

Wednesday, February 06, 2008

testing

shoplift

Habang nakatambay ako sa SM department store (here at SM, here at SM, we've got it all for you) eh nakunan ko ng litrato itong babae. Shoplifter. Ganyan na talaga ang modus operandi nila. Kala mo maganda, disente, mabango ang buhok, pero wag ka, mabilis pa sa ninja kung dumampot ng Jergens Body Lotion. Kaya dapat lagi kayong alerto pag namamasyal sa mall. Paalala lang.

ps.
Kung sino man nakakakilala sa babaeng ito, ipagbigay alam lang sa akin. Para maka-kiss ako.

Friday, February 01, 2008

ah yes indeed it's fun time

Malapit na ako mag-update. Pasensiya na hindi pa ako sanay sa blogging thing na ito eh. Hahahahahaha!







Ha!






...ha?

Monday, January 28, 2008

improving

October, November, December, January... aba wala pang anim na buwan nag update na ako. Isa itong magandang senyales. Baka sa susunod kada-dalawang buwan mag-update na ako hahaha.